Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva

Angel Locsin clarifies rumored transfer to VivaIsa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration  ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.

Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.

Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.
Read more >>

Comments are closed.