Angel Locsin confirms breakup with Luis Manzano

Angel Locsin confirms breakup with Luis Manzano

Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.

Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?

“Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na,” malungkot na sabi ni Angel.

Totoo ba na may third party involvedĀ sa hiwalayan nila ni Luis?

“Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita,” paliwanag ng aktres.

May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?

“Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun.”

Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?

“Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari ‘yon,” sagot ni Angel.

Read more >>

One comment

  1. Marco says:

    Ang ganda talaga ni Angel Locsin, talagang para sa akin siya ang the best..