Anne Curtis hosts new ABS-CBN daily program Showtime

Anne Curtis hosts new ABS-CBN daily program <em>Showtime</em>Tuwang-tuwa at excited si Anne Curtis dahil sa dinami-rami ng ABS-CBN talents, siya ang napili ng pamunuan ng Kapamilya network na maging isa sa main hosts ng Showtime. Ito ang ipapalit na show sa magpapaalam nang Pilipinas, Game KNB? ni Edu Manzano, which will have its final telecast tomorrow, October 23, Friday.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone ang manager ni Anne na si Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artist Agency kanina, October 22, at ito ang nagsabing masayang-masaya at excited si Anne sa panibagong trabaho ng alaga sa telebisyon bilang host.

Ano nga ba ang Showtime?

“Hindi ko pa puwedeng masabi ang full details coz of confidentiality, pero yung genre niya ay pinaghalong variety and game show,” sagot ni Veronique.

Comments are closed.