“Birit Baby” champion Jude Matthew Servilla now has his own segment in Eat Bulaga!

"Birit Baby" champion Jude Matthew Servilla now has his own segment in <em>Eat Bulaga!</em>Misty-eyed ang ilan sa entertainment press na dumalo sa presscon para sa grand champion ng “Birit Baby 2009″ ng Eat Bulaga! na si Jude Matthew “JM” Servilla kagabi, October 28, sa Imperial Palace Suites. Ipinakita kasi ang video clip noong grand finals ng “Birit Baby 2009″ held two Saturdays ago sa Eat Bulaga!, kung saan nakipag-compete si JM sa iba pang finalists.

Bilang “Birit Baby 2009,” nanalo si JM ng 200,000 pesos plus 20,000 pesos as the winner of the People’s Choice Award mula sa text votes ng televiewers ng Eat Bulaga! around the world.

Ang winning piece ni JM ay ang “Hanggang,” na kinanta ni Wency Cornejo. Bakit ito ang napili niyang kantahin noong grand finals?

“Isa po sa favorite singers ko si Mr. Wency Cornejo at gusto ko po yung song niya, tulad din ng song niyang ‘Habang May Buhay.’ Favorite ko rin po si Ms. Regine Velasquez, Jed Madela, Charice Pempengco,” sagot niya.

Read more >>

Comments are closed.