Kaye Abad on rumored breakup with Parokya Ni Edgar’s Chito Miranda: “We’re okay.”

Kaye Abad on rumored breakup with Parokya Ni Edgar's Chito Miranda: "We're okay."

Nagkaroon ng press visit para sa current episode ng Precious Hearts Romances, ang Somewhere in My Heart, na pinagbibidahan nina Kaye Abad at Guji Lorenzana. Eksena sa isang gasoline station sa may West Avenue, Quezon City ang kinukuhanang eksena nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press sa taping noong October 21.

Kapansin-pansin ang pagiging kumportable nina Kaye at Guji sa isa’t isa, at parang “sila” talaga in real life kung pagbabasehan ang performance nila noon sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers.

“Talaga?” ang tila nagulat na reaksiyon ni Kaye nang usisain tungkol dito. “Alam n’yo kasi, noong Bud, hindi kami magkakilala at all. Noong first taping day, as in hindi ko siya kilala, hindi niya ako kilala. Tapos, naging kumportable kami sa isa’t isa, mga third day na ng taping. Tapos, naging close lang kami after na ng taping ng Bud Brothers. Kasi after na ng taping, lumalabas kami as a group, kasama lahat.┬áSo, dun kami naging close.

Read more >>

Comments are closed.