Kris Aquino says Dingdong Dantes is “heaven-sent” for Noynoy’s campaign

Kris Aquino says Dingdong Dantes is "heaven-sent" for Noynoy's campaignNaurong ang nakatakdang paglipat ni Kris Aquino, at ng kanyang mister na si James Yap at dalawang anak na sina Joshua at Baby James, sa bago nilang titirhang condo sa Makati next month. Humirit pa kasi ng palugit si Kris sa mayamang mag-asawa na nakabili ng bahay nila sa Valle Verde II sa Pasig City.

“You know naman me. I’m so maarte, di ba? Pina-renovate ko yung kitchen. So, na-move kami ng pag-transfer. Three Kings na kami lilipat,” pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, October 20.

Pumayag naman daw ang mga nakabili┬áng bahay niya sa Valle Verde na ipagpaliban ang paglipat nila doon. Sabi pa ni Kris, “Mababait sila and because pumayag sila, I will give them two 42″ flat TV plus yung iba pang TV sets sa bahay.”

Sunud-sunod ang mga bagong proyekto ni Kris sa TV at mga commercial endorsements. Tatlong malalaking endorsements ang naisara ni Boy Abunda para kay Kris. Pero kahit isang sentimos daw ng kinita niya doon ay hindi niya nakita dahil diretso lahat yun sa campaign funds ng kanyang kapatid na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagtakbo nito bilang presidential candidate sa 2010.

Read more >>

Comments are closed.