Gina Alajar says her son Geoff Eigenmann’s acting is improving “little by little”

Gina Alajar says her son Geoff Eigenmann's acting is improving "little by little"Makakasama ng award-winning actress na si Gina Alajar ang anak niyang si Geoff Eigenmann sa bagong episode ng SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, kung saan kasama rin nila ang mag-amang Rey “PJ” Abellana at Carla Abellana.


Ayon kay Gina, hindi ito ang first time na magkakasama sila ni Geoff sa isang project.


“I’ve worked with Geoffrey, bata pa siya. When I directed a youth-oriented program here in GMA, it’s called Next. Pagkatapos nun, noong bata kasi siya, in and out ‘yan. Kapag bumababa ang grades sa eskuwela, hinto. Kapag maganda ang grades, pasok ng artista. Tapos, the next time ko na siyang nadirek was for Kirara. I have acted with him in Maalaala [Mo Kaya]. We played mother and son also. Yun ang last,” lahad ni Gina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


So far, nakita ba niya ang improvements ni Geoff sa pag-arte since siya ang masasabing number one critic ng anak?


“Well, he is improving little by little,” sabi ni Gina. “Lalo na dun sa pagsasalita niya. Nag-improve na siya sa kanyang emotional responsibilities when it comes to acting. Ang napansin ko sa kanya, like yesterday was our first taping day, of course, inaalalayan ko siya nang konti and Direk Mac Alejandre is there to guide him also. But there are things also na gusto kong i-correct sa kanya na sinasabi ko na, ‘Anak, ganito ang gawin mo, ganyan.’ Kaya dalawa ang director niya.


“Actually, ibinubulong ko lang sa kanya at nakukuha naman niya agad. I remember in Kirara when I directed him, he was very young then, ipinapakita ko pa sa kanya kung ano ang gagawin. As in, I would demonstrate to him kung ano ang gagawin. Ngayon, nabi-visualize na niya kung ano ang gagawin.”


Read more >>


Comments are closed.