Jinkee Pacquiao on Krista Ranillo: “Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?”

manny-jinkee-pacquiaoHindi parin matapos-tapos ang issue sa umano’y affair nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo kahit pinabulaanan na ito ng Pambansnag Kamao. Di na rin maiwasan na magbigay ng pahayag ng asawa ng Pound-for-pound King na si Jinkee sa tungkol sa isyung kinasasankutan ng kanyang asawa.

Sa exclusive interview ni Jiggy Manicad ng GMA News kay Jinkee,di naitago ng huli ang sakit na dulot ng isyu sa kanyang pamilya. Nag-iwan din siya ng pahayag para kay Krista na hanggang ngayon ay nasa US pa kasama ang pamilya  dahil umano nakakatanggap sila ng Death Threat dahil sa iskandalong ito.

“Bata pa siya. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. May future pa siya. So, isipin niya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family. Magiging masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?

“Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa? Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family… Dapat tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin,” kalmadong pahayag ni Jinkee para sa sexy actress.

Nakikiusap ang Pamilya Pacquiao at Ranillo na tigilan na ang pagpapakalat ng malisyosong balita dahil marami ng nasasaktang tao pati ang malalapit sa mga ito.

Comments are closed.