Justine Ferrer still in the healing process after 39 days in Survivor Philippines: Palau

Justine Ferrer still in the healing process after 39 days in<em> Survivor Philippines: Palau</em>Hindi ma-explain ng Survivor Philippines: Palau castaway na si Justine Ferrer ang kanyang nararamdaman dahil malapit nang matapos ang naturang reality show ng GMA-7.


Isa si Justine sa apat na natitirang castaways na maglalaban-laban para sa three-million cash prize at sa titulong Pinoy Sole Survivor. Ang tatlo pang castaways na natitira ay sina Amanda Colley Van Cooll, Jef Gaitan, at Charles de Vera Fernandez.


Inamin ng pamosong transsexual na nalulungkot siya dahil tuwing napapanood niya ang mga pinagdaanan nilang hirap sa show, hindi niya mapigilang maiyak dahil kinaya nilang lahat ang mga matitinding pagsubok sa nagdaang mahigit isang buwan. Lalo na nga raw siya dahil nasubukan niyang tumirang mag-isa sa Isla Purgatoryo ng ilang linggo, kung saan ang tanging nakasama niya ay ang asong si Jumbo.

Read More >>

Comments are closed.