Kris Aquino explains declaration that Kim Chiu is the No. 1 Young Actress today

Kris Aquino explains declaration that Kim Chiu is the No. 1 Young Actress todayNaging isyu agad sa mga solid Sarah Geronimo fans ang nabitawang salita ni Kris Aquino na para sa kanya ay si Kim Chui ang No. 1 sa hanay ng young actresses ngayon, kung kaya’t hindi nagdalawang-isip ang TV host na tanggapin ang role bilang ina ni Kim sa sisimulang teleserye ng ABS-CBN, Kung Tayo’y Magkakalayo.

Rason ng mga masusugid na tagahanga ng Pop Princess, malayo pa raw sa narating ng idolo nila ang kung anumang achievements ni Kim. Sa box-office ay kumita at sinuportahan raw ng publiko ang mga pelikulang pinagbidahan ni Sarah. Patunay raw nito ang pagiging Box-Office Queen ni Sarah last year, na mahihirapan daw abutin ni Kim.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa birthday badminton tournament ng kaibigang si Boy Abunda last October 28, ipinaliwanag ng TV host ang ibig niyang sabihin sa kanyang binitawang salita.

Comments are closed.