Cristine Reyes reveals relationship with Dennis Trillo

dennis&cristineMarami ng naiulat na nagpapadala umano ng Hate messages si Cristine Reyes kay Heart Evangelista kaugnay ng pagkakalink ni Heart kay Dennis Trillo na ex-boyfriend ni Cristine.

Sa panayam ni Kris Aquino kay Cristine ng mag-guest ang dalaga para sa kanyang pelikula sa MMFF na “Ang Darling Kong Aswang” kasama si Vic Sotto ay inamin ng dalaga na naging sila ni Dennis for almost 2 years at kakabreak lang nila June this year dahil sa napakaraming isyu sa pagitan nilang dalawa.

Isa sa mga isyu nilang dalawa umano ay selos. Si Cristine kay Carlene Aguilar kung saan may anak si Dennis. Lagi daw kasing dumadalaw si Dennis sa baby noon kaya di niya maiwasang magselos. Ngunit binawi ni Cristine sa huli na magkaibigan na daw sila ni Carlene ngayon. Si Dennis naman daw ay nagseselos sa mga leading men ni Cristine sa mga soap opera na pinagbidahan niya tulad ng “Eva Fonda” kay Jason Abalos at “Kahit isang Saglit” kay Jericho Rosales. Binanggit din ng one of the hottest actress this year na hidi nila inamin ang kanilang naging relasyon dahil na din sa utos ng ilang tao.

Gaganap si Cristine Reyes sa Metro Manila Film Fest entry na “Ang Darling Kong Aswang” kasama si Vic Sotto showing this coming December 25,2009.

Comments are closed.