Sharon Cuneta admits she is still affected over not getting her rightful inheritance

sharon-cunetaSa isang interview kay Mega Star Sharon Cuneta sa The Buzz,inamin nya na apektado pa rin siya ng umano’y di makatarungang paghahati-hati ng mana ng kanyang yumaong ama na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.Saad nya, “Hanggang ngayon galit ako, masakit ang kalooban ko,” simula ni Sharon. “May kinikita naman ako, eh ang mommy ko hindi naman nagbago ang lifestyle. Pero marami akong kapatid na dini-deserve sana nila ‘yung I’m sure inipon at pinaghirapan ng tatay ko para sa aming lahat. Ang nangyari iba ang yumaman.”

Makahulugang sambit niya  ngunot tumangging pangalanan ang tinitukoy niya. Sinabi ni Mega na ipanagpapasa-Diyos na lang niya ang anumang kahihinatnan ng taong nasa likod ng kanyang pahayag.

Sa career naman ng Mega,sinabi niya na wala na siyang dapat patunayan pa sa kanyang sarili pero gusto pa rin umano niyang maging proud sa kanya ang kanyang mga taga hanga.At tungkol naman sa kanyang relasyon sa kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion,magkaibigan naman daw sila.

Marami pang aabangan ang mga tao kay Sharon Cuneta lalo na sa pagdating ng 2010,dahil marami pang sorpresa sa kanyang career isa na dito ang nakaambang na concert ng Mega sa Enero.

Comments are closed.