Aquinos clash with Fantastic 4 on Family Feud

Nagsagupa nitong Martes ang apat na Honor Guards ng pumanaw na si dating Pangulong Cory Aquino, at mga kamag-anak nito sa nangungunang game show sa GMA 7 na Family Feud.

Personal din nag-cheer ang actress-host na si Kris Aquino-Yap sa loob ng studio habang pinapanood ang mga kapatid na sina Pinky Aquino Abellada at Ballsy Aquino-Cruz, at mga pamangkin na sina Jiggy Aquino Cruz at Miguel Abellada.

Nakatanggali ng mga Aquino ang mga Honor Guard ni Cory na sina Police Officer 2 Edgardo Rodriguez, Private First Class Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindam, Seaman 1st Class Gilbert Atienza.

Si Atienza ang kumatawan ni Police Officer 1 Danilo Malab Jr., na hindi nakadalo sa Family Feud dahil nakadestino sa malayong lugar.

Sinabi ni Kris sa host ng Family Feud na si Dingdong Dantes, na nais sana niyang maglaro ngunit hindi siya pinayagan.

“I really wanted to play but I was not allowed. But your doing such a wonderful job,” pahayag ni Kris kay Dingdong na tinawag niyang “most good looking game show host.”

Idinagdag ng actress-host na ang pagsali nila sa show ay pagpapakita ng labis na pasasalamat kay Dingdong na kabilang sa mga artistang sumusuporta sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Sen Benigno “Noynoy” Aquino III, tumatakbong pangulo sa darating na May elections.

Sa isinagawang tunggalian, nanalo ang Aquino family sa first at third round. Ngunit humabol ang Fantastic 4 Family na nanalo sa second at fourth round na naging susi nila para umabante sa jackpot round.

Sina Rodriguez at Atienza ang kumatawan sa Fantastic 4 Family para sa “fast money” na may nakalaang papremyo na P150,000.

Bagaman naging mababa ang puntos na nakuha ni Rodriguez sa jackpot round, bumawi naman si Atienza na nakuha ang dalawa sa “top answers” para maabot ang kinakailangang puntos at makuha ang P150,000 jackpot price.

Comments are closed.