Ciara Sotto’s wedding first for showbiz in 2010

sotto

Ang kasal nina Ciara Sotto at ng kanyang boyfriend na si Jojo Oconer noong January 17, 2010 sa Manila Polo Club ang unang showbiz wedding ng taon. Old English ang naging theme ng kanilang Christian wedding at ang color motif ay lavender.

Suot ni Ciara ang gown na dinesenyo ng kanyang matalik na kaibigang fashion designer na si Mich Dulce. Si Lala Flores ang kanyang makeup artist at si Celeste Tuviera naman ang kanyang hair stylist. Tumulong din sa pag-aayos kay Ciara ang mommy niya na si Helen Gamboa.

Nag-stay sa Manila Peninsula si Ciara sa bisperas ng kanyang kasal at nagtungo sa Manila Polo Club lulan ang isang vintage na white Jaguar bandang 2:30 ng hapon noong Linggo.

Si Ciara at Jojo ay nagkakilala noong 2005 sa isa sa mga US shows ng Eat Bulaga. Bago pa man sila nagkakilala, sinabi ni Jojo na crush na niya si Ciarra. Kaya nga tinatawag ang kanilang love story na “made in Eat Bulaga.”

Gaya ng inaasahan, maraming celebrities ang dumalo sa kasal ni Ciara. Present lahat ang pamilya Sotto. Naroon din ang mga kasama ni Ciara sa Eat Bulaga na sina Toni Rose Gayda, Paolo Ballesteros, Allan K, at Ruby Rodriguez. Ang buong pamilya ni Megastar Sharon Cuneta, pinsang buo si Ciara, ay dumalo din sa kasal. Kasama din sina former senator Robert Jaworski, Pops Fernandez, at si GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Comments are closed.