Cristine Reyes admits sending hate text message about Heart Evangelista before

Untitled

Inamin na ni Cristine Reyes na totoong nagpadala siya ng hate message against Heart Evangelista kaugnay ng pagkaka-link ni Heart sa ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. Pero nilinaw niya na matagal nang nangyari ito at hindi niya direktang tinext si Heart, bagkus ay ipinadala niya ang text message kay Rufa Mae Quinto.

“Hindi po ako directly nag-text kay Heart. Tinext ko si Rufa Mae. Pero ‘eto lang, matagal na po itong nangyari, mga early this year, mga March. So, I don’t see the point kung bakit nilalabas pa ngayong December na magtatapos na yung taon,” sabi ni Cristine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang kahapon, December 17, sa Moomba restaurant, Quezon City.

Kung matagal nang nangyari yun, bakit sa tingin niya naiintriga ulit silang dalawa ni Heart ngayon?

“I think meron yatang nagte-text ulit sa kanya ngayon. So, I don’t know kung pinagbibintangan niya ako or something. Sana i-make sure lang natin na ako talaga yun. Ngayon, idine-deny ko kasi hindi naman po talaga. Pero yung before ako, totoo, ako talaga yun. Pero hindi ko nga siya directly tinext. Ang tinext ko si Rufa Mae,” paliwanag niya.

So, si Rufa Mae ang nagpadala kay Heart ng hate message niya?

“Oo. Yun totoo talaga yun,” sagot ni Cristine. “Hindi ko naman dine-deny yun, e. Pero yung ngayon, hindi porke’t nangyari yun before, ako ulit yung ngayon, di ba? So, huwag naman tayong magbintang.”

Read More>>

Comments are closed.