Dingdong Dantes to join Marian Rivera in Spain

d and m Naghahanda na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagbisita sa Spain para bisitahin ang ama ng dalaga. Mauwi kaya ito sa pamamanhikan ng aktor?

Sinabi ni entertainment reporter Lhar Santiago na visa na lang ang hinihintay ni Dingdong para matiyak ang pagpunta nila ni Marian sa Spain. Sa nabanggit na bansa naninirahan ang ama ng dalaga na ilang taon na rin niyang hindi nadadalaw.

Kapag tinanong umano si Dingdong kung hahantong ba sa pamamanhikan ang naturang pagpunta sa Spain, tawa lang ang isinasagot ng binata.

Ngunit bago sa Spain, sa Dubai na muna ang magpupunta ang dalawa sa Pebrero 1 para mag-guest sa concert doon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na inisponsor ng GMA Pinoy TV.

“Balak talaga namin ‘yon (magpunta sa Spain) pero hanggang ngayon wala pang mga necessary documents, so hangga’t hindi ko pa hawak ‘yon hindi ko masasabing siguradong-sigurado na,” paliwanag ni Dingdong sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Ayon sa ulat, minsan na ring nakausap ni Dingdong ang ama ni Marian nang magkausap minsan sa telepono ang mag-ama. Sinabi ng binata na nagkamustahan sila: “Kasi siyempre unang pagkakakila, kumbaga the focus really was on their conversation ng mag-ama. Kumbaga ako aksidente lang ako, mas importante yung pag-uusap nila.”

Ngunit bago sila mangibang bansa, aasikasuhin muna nina Dingdong at Marian ang fund raising event para sa itinayong YesPinoy Foundation ng aktor. Isang fun run ang inorganisa ng binata na gagawin sa katapusan ng Enero sa The Fort, Taguig City.

Bukod sa pondo, layunin ng naturang fun run ang makalikom ng mga libro na ipamamahagi sa iba’t-ibang paaralan.

Comments are closed.