Erich Gonzales on Enchong Dee: “He’s the one closest to my heart.”

Erich GonzalesSi Erich Gonzales ang bida sa matagumpay na hapon serye na “Katorse” kasama sina Enchong Dee at Ejay Falcon ay masaya sa kanyang new project sa Kapamilya network. Pagbibidahan niya ang new soap opera ng Kapamilya sa Primetime Bida na “Tanging Yaman” kasama ang mga primyadong mga artista at hottest young stars na sina Melissa Ricks at Matt Evans.

Sa nakaraang grand presscon ng Tanging Yaman, di itinago sa amin ng young actress na nakakaramdam siya ng pressure at sobrang kasiyahan sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother studio.
“Yung success ng Katorse di lang naman dahil sa akin ‘yun, it’s because of the whole Katorse team, ang buong cast namin, the staff, our director and ‘yong creative team na siyang nag-iisip kung paano pa mas pagagandahin ‘yong istorya.  May pressure oo, pero sa ngayon, I’m very thankful and blessed sa lahat ng magagandang nangyayari sa akin.”

Si Erich ang gaganap na Fina Policarpio, ang tunay na anak ng Presidential family sa istorya. Ayon kay Erich, kahit medyo mature ang role niya sa Katorse as a young mom, wholesome naman ang character niya sa Tanging Yaman.

ERICH DEFENDS ENCHONG. Hindi naman kinaila ni Erich na sa lahat ng mga young actors ng ABS-CBN, si Echong Dee ang masasabi niyang pinakaespesyal para sa kanya.  Ang sweetness ba kanila ay pang publicity lamang lalo’t pinu-push ang tambalan nilang dalawa? Ano naman ang reaksiyon ni Erich sa mga balitang patuloy na kinu-question ang gender preference ni Enchong?
“Hindi kasi kahit dati pa naman close na kami but I can say na because of Katorse and Tanging Yaman, mas naging close talaga kami, mas nakilala namin ang isa’t-isa at masaya kami sa kung ano ang mayroon kami. He’s the one closest to my heart and ine-enjoy namin ‘yong friendship namin, we have a very solid friendship talaga.
“Kung mayroon mang tao na makakapagsabi kung ano ang totoo, siguro kasama ako dun dahil nga kasama ko siya halos everyday.  Napaka-gentleman niya, wala kong nakikitang kahit na ano sa kanya.  Sa mga nagsasabi ng ganyan, sana tigilan na kasi walang magandang naidudulot ‘yan. Hindi ‘yan totoo–he’s not gay.”

Pero paano raw kaya i-explain ni Erich ang lumabas na balita before na bakla ang tawag niya kay Enchong sa taping ng Katorse?
“Kami kasi sa Katorse, [madalas sabihin] Bakla, make up na,’ kasi ‘yong mga make up artists namin dun, karamihan ganun pero si Enchong, di ko siya tinawag na ganun, I call him Honey.”
“It started nung may kinukunan kaming eksena sa Katorse, nakita ko siya na may mga kasamang mga babae, sabi ko,  ‘Honey, tara na.’ After nung eksena na ‘yon, honey na ang tawagan namin.”

Ang Tanging Yaman to be aired this Monday, January 11, on ABS-CBN. Makakapareha ni Erich  dito muli ang mga co-stars niya sa Katorse na sina Enchong Dee at Ejay Falcon.

Comments are closed.