Iwa Moto mas sexy dahil sa pag-aalaga ng BF

Mas sexy na ngayon si Iwa Moto dahil mas naging pursigido s’yang mag-gym. Nabawasan ang timbang ng Starstruck season 3 survivor kung kaya’t nag-shopping s’ya upang ma-update ang kanyang wardrobe. Kahit hindi man mga branded ang hilig ng dalaga, sinisiguro n’ya na babagay ang istilo ng mga damit n’ya sa bago n’yang figure. Pahayag ni Iwa: “Sayang naman kasi bumili pag sobrang mahal. Kaya namimili talaga ako sa mga tiangge.”

Pinapasalamatan ni Iwa ang kanyang businessman-boyfriend na nag-inspire sa kanya upang maging mas conscious sa health at physical fitness. “S’ya ang naging personal trainer ko,” ani Iwa. Sa katunayan, ang BF n’ya rin ang nag-encourage sa kanya na subukan ang boxing bilang workout n’ya. Sa katunayan, parang naging personal trainer n’ya ang kasintahan. Maging sa mga taping ni Iwa ay sinisigurado ng BF n’ya na may healthy snacks s’ya gaya ng grapes.

Kakailanganin ni Iwa na maging super fit dahil magsisimula na ang taping n’ya ng dalawang shows: ang GMA-7 SineNovela na Ina, Kasusuklaman Ba Kita? at Darna, kung saan magbabalik si Iwa bilang ang kontrabidang si Valentina.

Comments are closed.