Katrina Halili’s ‘Close Friend’ Kris Lawrence now a Kapuso star

katrina-halili-and-kris-lawrence-photoKapuso na rin ang RnB singer na si Kris Lawrence na minsang naugnay romantically sa sexy actress na si Katrina Halili. Ngayong magkasama na sila sa iisang network, magtapat na kaya ang dalawa sa tunay nilang relasyon?

Nitong nakaraang Linggo, pormal ng ipinakilala bilang bahagi ng musical-variety show na SOP Fully-Charge si Kris. At ayon sa RnB singer, excited siya bilang bagong Kapuso talent.

“I fell good to become certified Kapuso. Thank you GMA,” sambit ni Kris sa panayam ni Nelson Canlas para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Ngayong nandito na si Kris sa GMA 7, mas magiging malapit na siya kay Katrina. Pero ayon sa binata, nananatili raw silang ‘close friend’ ng aktres kahit walang ‘romantic involvement’ na namamagitan sa kanila.

Sa kuwento ni Kris, magkasama sila ni Katrina nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon. Mauwi kaya sa higit pa sa magkaibigan ang pagtitinginan nila ni Katrina ngayon kapwa na sila Kapuso?

“Hindi ko pa masasagot ‘yan if there’s anything could happen between us. Trabaho muna,” sagot ni Kris.

Kasabay nito, sinabi ng binata na suportado niya si Katrina sa isinampa nitong kaso laban kay Hayden Kho Jr., kahit hindi siya nakikitang kasama ng aktres sa mga dinadaluhang pagdinig sa korte.

Comments are closed.