Krista Ranillo on pregnancy rumors: “Talaga?”

Krista-Ranillo

“Ikaw, naapektuhan ka? Ha ha ha!” Yan angĀ  tugon ng tiyahin ni Krista Ranillo na si Suzette Ranillo sa interviewer ng Startalk. Pero mukha naman itong natauhan after niya ginawa ung statement na iyon. Kaya nagpadala siya ng text message sa interviewer ng Startalk. Nangyari ito noong Last December 24, bago lumipad papuntang Amerika si Krista Ranillo kasama ang kanyang lola na si Ms. Gloria Sevilla at ang tiyahin niyang si Suzette Ranillo.

Sa US nag-Christmas ang mga Ranillos tulad nang nakaugalian na nila, pero isang araw bago ang nakatakdang pagbabalik ni Krista sa Pilipinas nabuhay muli ang intrigang buntis daw siya. At ayon sa iniulat ng Startalk, diumano’y sa Cebu pa raw ang dalaga nagpa-pregnancy test at positibo daw ang resulta. At para mamatay na ang isyu, nagsalita na ang mismong manager ni Krista na si Arnold Vegafria at sinabing hindi buntis ang kanyang alaga.Ayon sa kanya, hindi raw nagpupunta ng Cebu ang sexy star.

Sinubukan naman din kuhanan ng panig si Manny Pacquiao ng Startalk, pero hindi nila ito ma-contact.

At noong January 5, nakatanggap ng tip ang crew ng Startalk na darating daw si Krista sa araw na iyon. Dumating ang eroplano ng mga 6 a.m. Piniling dumaan ni Krista sa departure area, escorted by an Immigration Personnel.

Statement ni Krista:

“Pupunta pa po kasi ako ng taping,” ang sinagot niya sa Startalk nang hingan ito ng interview.

May balita?, tanong ng interviewer ng Startalk.

Sagot ni Krista nang nakangiti, “Marami namang balita.”

Sinabi sa kanya na ang latest issue ay buntis daw siya.

“Talaga?” ang reaksiyon ng dalaga. Nagpa-checkup daw siya sa Cebu ?

“Hindi… dito lang ako, di ba? The whole time nagte-taping, nagsu-shoot. Wala akong time na pumunta sa Cebu,” yan ang matipid na tugon ng aktres sa interviewer ng Startalk.

Comments are closed.