Marian Rivera: “Hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso.”

mDahil sa patuloy na dumaraming offer at mga soap niya sa Kapuso channel, dumarami na rin ang mga ibinabatong intriga sa kanya. May kumakalat na tsimis na lilipat na daw siya sa kabilang istasyon, dahilan ng pagkagulantang ng mga fans ni Marian Rivera. Ayon pa sa news item, ang Endless Love: Autumn In My Heart na ang last soap ni Marian sa Kapuso Network at lilipat na siya sa Kapamilya network.

Noong Miyerkules, January 27, sa taping ng Darna sa grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan. Muling nakausap ng PEP si Marian Rivera sa isyung kung lilipat na ba siya sa kabilang istasyon.

Totoo ba ang mga balitang lilisanin na niya ang Kapuso network?

“Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayan at marami akong work,” mariing sabi ni Marian.

Totoo bang may kumausap kay Popoy tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 at kung kailan ito mag-e-expire at nag-offer ng kontrata?

“May nagtanong lang naman, hindi offer yun,” paglilinaw niya. “Nagtanong lang ng mga bagay-bagay kay Popoy at kung sinuman ang taong yun, huwag na nating sabihin. Ang sigurado lang at final na ito, hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso. Ano pa ba ang hihilingin ko? Good projects ang ibinibigay sa akin at binigyan din ako ng title [Primetime Queen of GMA-7].”

Yan ang kanyang maririin na sagot sa mga tanong ng PEP.

Bakit ka nga naman aalis kung marami pang offer sa iyo sa hinaharap? At hindi naman siya binababayaan ng Kapuso kaya walang rason na lilipat na siya sa kabilang istasyon.

Read more>>

Comments are closed.