Richard Gutierrez to star again as Captain Barbel in GMA 7

Matapos magpahinga sa paggawa ng fantaserye, muling lilipad sa Mayo si Richard Gutierrez bilang Pinoy superhero na likha ni Mars Ravelo na si Captain Barbel sa Kapuso Network.

Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, bukod sa istorya at mga special effects, dapat ding abangan kung sino ang magiging leading lady ni Richard.

At kahit sa Mayo pa ieere ang pagbabalik ni Captain Barbel, ngayon pa lang ay pinaghahadaan na ito ng GMA 7. Nagsimula na rin ang paunang creative meeting ng fantaserye na dinaluhan mismo ni Richard, kasama ang kanyang ina na si Annabelle Rama.

Dumalo rin sa naturang pulong sina GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at Senior Program Manager Reggie Magno. Dahil ikalawang yugto na ito ng Captain Barbel, titiyakin daw ng mga bumubuo ng produksiyon na mas lalong magiging maaksiyon at kapana-panabik ang pagbabalik ng kuwento ni Mars Ravelo.

“I think nakapag-break ako nang matagal-tagal sa mga action sequences, sa mga fight scenes, sa mga fantasy, and now I’m ready to go back. Talagang I’m looking forward to the show,” ayon kay Richard sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.gallery01

Comments are closed.