Bayani Agbayani talks about his new projects

Bayani AgbayaniMasayang-masaya si Bayani Agbayani nang makausap ng iGMA sa press launch ng First Time kamakailan. Mula nang maging Kapuso muli, tatlong bagong shows ang mapapanood na kasama si Bayani ngayong Pebrero.

Sabay nagsimula ang morning show na Diz Iz It! at ang prime time show na First Time noong February 8. Magsisimula naman sa Huwebes ng gabi ang SRO Cinemaserye presents: Meet The Fathers, kung saan kasama ang batikang aktor na si Christopher de Leon.

Kaya naman very thankful si Bayani sa mga ibinigay na opportunities sa kanya ng GMA. Dapat kasama rin si Bayani sa show kung saan nandoon ang idol niyang si Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

“Pagbalik ko dito, talagang dalawang kamay nakabukas. Tinanggap ako, hindi lang ng management kundi pati ng mga artista at buong production,” sabi ng komedyante.

“Isipin mo, ngayon pa lang meron na akong First Time, may SRO Meet The Fathers, may daily show, may isa pang show na pambata—apat na kaagad! Ano pang hihilingin mo sa GMA?” dagdag pa niya.

Kaya ba hindi siya nanghihinayang sa project na dapat sana ay pagsasamahan nila ni Manny?

“Kasi ako, ang pakiramdam ko lagi pag ‘di ukol, hindi bubukol. Kapag hindi para sa iyo, hindi sa’yo,” paliwanag ni Bayani. Of course he is referring to Todo Bigay na dapat sanang papalit sa SIS.

Pero hindi man natuloy ang Todo Bigay, kasama pa rin si Bayani sa mga hosts ng ipinalit na show – ang Diz Iz It.

“Ako na lang ang naiwan sa original cast. Maraming idinagdag sa show na dapat hindi napapanood sa ibang show. Nakaka-nerbiyos kasi alam naman natin ang rating ng katapat na show ng Diz Iz It,” paliwanag niya.

“ Pero siyempre sinasabi naman namin kapag nagme-meeting kami na ‘wag nating isipin na tinatapatan natin ['yun]. Ang isipn natin ‘yung nag-e-enjoy tayo, at nagbibigay tayo ng tuwa at kasiyahan sa mga tao,” patuloy ni Bayani.

Comments are closed.