Carmina Villaroel still a Kapuso star

50_carmina

Pumirma ng bagong kontrata ang versatile actress-host na si Carmina Villaroel para sa tinawag niyang pormalidad ng kanyang pagiging Kapuso star.

Kasamang sumaksi sa pirmahan ng kontrata ang manager ni Carmina na si Dolor Gueverra at mga matataas na opisyal ng Kapuso Network, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago.

“Pino-formalize lang ang pagiging Kapuso star ko. I’m very happy, and happy na! Super! Parang this start of the year is really amazing,” pahayag ni Carmina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Inihayag naman ni Atty Felipe L. Gozon, president, chairman and CEO, GMA Network Inc, na maraming programa ang nakahilerang gagawin ni Carmina sa Kapuso station
“It is really more than just formality, maraming nakahilerang programa para sa kanya. Carmina is very very versatile talent, magaling siyang host, may husay din sa pag-arte,” ayon naman kay Mr. Gilberto R. Duavit Jr, EVP and COO, GMA Network

Ayon kay Ms Wilma V. Galvante, SVP for Entertainment TV, GMA Network Inc, ilan sa mga gagawing proyekto ni Carmina ay isang comedy, soap pagkatapos ng Last Prince, , hosting at iba pa.

Kung may isa pang masaya sa pagpirma ni Carmina ng kontrata, ito ay ang kanyang matagal ng kapartner sa buhay na si Zoren Legaspi.

Dahil itinuturing nilang suwerte ang 2010, mangyari na kaya ngayong taon ang kanilang kasal?

“Kailangang itanong ito kay Zoren. Ako, I’m just waiting,” natatawang sagot ng aktres. –

Comments are closed.