Daiana Menezes laughs off pregnancy and lesbian rumors

Diana MenezesNanlaki ang mga mata ni Daiana Menezes sa pagkagulat nang banggitin namin na may intrigang buntis siya at nagpa-check-up daw sa doktor.

“Ano? May balita bang ganun?” nagtatakang tanong ng Brazilian model-TV personality. “I was never in the hospital. Walang ganun… imposible! Tsismis lang yun, siguro excuse lang yun or imbento for something else. Wala, I haven’t been sick for the longest time. Tsismis lang yun. Tsaka wala namang chance for me to get buntis kasi single ako.”

Ang isa pang intriga kay Daiana ay tomboy raw siya kaya bihirang makipagrelasyon sa lalake.

“Lesbian ba ako? Wait lang… mukha ba akong tomboy? Sa tingin ninyo sa akin, sa hitsura kong ito, mukha ba akong tomboy?” natatawa niyang sabi.

Read More >>

Comments are closed.