Frencheska Farr plays the lead in one of the biggest films in 2010, Emir the musical

Francheska FarrHindi pa rin makapaniwala si Frencheska Farr sa big break na dumating sa kanya na maging lead role ng Emir, isang original full-length movie musical na nilikha at nasa direksiyon ni Chito Roño.

“Pag pinag-isipan po, talagang nakakatuwa po kasi po bihira yung mabigyan ng ganito kalaking break lalo na po bago lang ako,” bulalas ng GMA Artist Center talent.

“Nagugulat nga po ako e,” sabi ng namamanghang Frencheska sa pocket presscon na ipinatawag para sa kanya ng GMAAC kamakailan. “Minsan po hindi pa rin namin ma-absorb ng pamilya ko kasi sobrang bilis po ng mga pangyayari.”

Sa auditions para sa musical na ginawa noong 2009, ang una niyang kinanta ay ang theme song ng Emir, “Bakit Ako Naririto?”

“After ko pong kumanta, sabi po ni Direk Chito, ‘Meron ka bang alam na Broadway song?’ Sabi ko po, ‘All I Ask Of You’ po ni Barbra Streisand.’ Kinanta ko rin po. After po noon, wala na, pinauwi na niya ako.”

Hindi niya ine-expect na mapipili siya para sa lead.

“Akala ko nga wala na, e. Tapos tinawagan ako para sa makeup test. Hindi pa rin po nila sinasabi na ako yung napili na bida. Nung sinabi nila sa akin akala ko dyino-joke ako. Na-realize ko na lang na totoo nung tawagan na ako for shooting.”

Isa raw sa mga nag-audition para sa role ay ang sikat na singer na si Karylle. Ano ang feeling niya na siya na isang baguhan ang napili?

“Parang biglaan po lahat. Kasi kakapanalo ko pa lang po sa Are You The Next Big Star?, tapos biglang ganito na po. Gusto ko lang naman pong i-try e. Nagho-hope lang po ako na baka may makita sila sa akin. Hindi ko po talaga akalain na ibibigay nila sa akin yung role. Akala ko nga po musical play lang siya. Yun pala movie. Nalaman ko lang pagkatapos ng audition.”

“After ko pong kumanta, sabi po ni Direk Chito, ‘Meron ka bang alam na Broadway song?’ Sabi ko po, ‘All I Ask Of You’ po ni Barbra Streisand.’ Kinanta ko rin po. After po noon, wala na, pinauwi na niya ako.”

Hindi niya ine-expect na mapipili siya para sa lead.

“Akala ko nga wala na, e. Tapos tinawagan ako para sa makeup test. Hindi pa rin po nila sinasabi na ako yung napili na bida. Nung sinabi nila sa akin akala ko dyino-joke ako. Na-realize ko na lang na totoo nung tawagan na ako for shooting.”

Isa raw sa mga nag-audition para sa role ay ang sikat na singer na si Karylle. Ano ang feeling niya na siya na isang baguhan ang napili?

“Parang biglaan po lahat. Kasi kakapanalo ko pa lang po sa Are You The Next Big Star?, tapos biglang ganito na po. Gusto ko lang naman pong i-try e. Nagho-hope lang po ako na baka may makita sila sa akin. Hindi ko po talaga akalain na ibibigay nila sa akin yung role. Akala ko nga po musical play lang siya. Yun pala movie. Nalaman ko lang pagkatapos ng audition.”

Aware ba siya na kay KC Concepcion dapat ang role?

“Opo, actually sinabi po nila sa akin. Nung nalaman ko po yun akala ko po dyino-joke po nila ako or tinatakot lang nila ako… Ang alam ko po dahil sa schedule niya [KC], nagkaroon po ng conflict kaya kinailangan po nilang magpa-audition po ulit.”

Okay lang sa kanya na second choice siya.

“I feel honored po na from Ms. KC ay sa akin napunta yung role. Proud na proud po ako na ako ang napili ni Direk Chito. Sobra po akong nagpapasalamat.”

Seventeen pa lang siya, pero ang role na ginagampanan niya ay 24 years old, kaya kinailangang patandain ang hitsura niya.

Pero ang mas malaking hamon ng role ay ang patuloy na pagtanda niya sa pelikula dahil ipapakita rin ang paglaki ng alaga niyang prinsipe hanggang sa umabot ito sa edad na 19.

“Nag-start po ako sa 24 ako, nag-end ako sa 43 ako. Pinakita po yung 24, 31, 36 at saka 43. Hanggang sa pagtanda po, ako pa rin po yung gaganap. Actually, yun po ang isang bagay na nahirapan ako kasi kailangan ko pong obserbahan yung mga mas may edad po sa akin. Kung paano po sila umarte, ganyan. Kung paano sila maglakad.”

Nakapag-shoot na raw siya na 43 years old siya.

“Nilagyan po ako ng prostethics. Mahirap po yung prostethics kasi parang may glue ka sa mukha. Plus pinalagyan ako ng bulak ni Direk Chito sa bibig para tumaba yung mukha ko. So, kumakanta ako na may bulak. Mahirap nga po. Pero nakatulong po yung bulak kasi parang feeling ko matanda na ako.”

Halos ang kabuuan daw ng Emir ay pakanta. May 22 songs ito na puro Tagalog.

“Konti lang po yung speaking lines. Talagang lahat po sinulat po sa kanta. Pero hindi po siya yung sa normal na musical na kapag nakikipag-usap ka at tinatawag mo yung pangalan ng kausap mo na kumakanta ka. Hindi po siya ganun. Bale kung ano lang po yung nararamdaman mo talaga, yun lang po yung nilalagay sa kanta. So pag tinatawag ko po halimabawa yung nanay ko, normal lang po.”

Gusto niya bang ituloy ang acting bukod sa pagiging singer?

“Opo, gusto ko po. Masaya po, e. Pero siyempre po kailangan po na ihanda ko pa yung sarili ko sa mga bigger roles po na ipapagawa sa akin. First time ko po kasi, e, kaya medyo nahihirapan pa ako sa acting.”

How is it working with Direk Chito, na kilalang mahigpit na direktor?

“Medyo kinabahan po ako noong una pero nawala rin naman po noong pagtagal-tagal.

“Mabait po si Direk Chito. Kapag hindi po kami nagsu-shoot, halimbawa po namamasyal po kami, sobrang bait po niya. Pero po kapag nagsu-shoot na po kami, trabaho po talaga. Seryoso po talaga.”

Nasigawan na daw siya ni Direk Chito.

“Opo. Well, lahat naman po kami nasisigawan. Pero nasasanay na rin po ako kasi siyempre kailangan talaga professional ka po pagdating kay Direk Chito.”

Marami raw siyang natutunan kay Direk Chito.

“Una na po doon yung pag-aralan mo talaga yung script. Kasi siyempre gusto po ni Direk Chito pagdating mo sa set, kung ready siya, ready ka rin dapat…

“Dati pa naman po, simula sa Are You The Next Big Star?, talagang sineseryoso ko na po ang trabaho ko. Pero dito po mas natutunan ko po na mas magseryoso, na every time po na magpapakita ako kay Direk, alam na alam ko na ang gagawin ko para hindi po ako masigawan.”

Marami sa mga eksena sa Emir ay kinunan sa Morocco. Tuwang-tuwa nga si Frencheska na nakapag-shoot pa siya sa abroad.

“Puro exteriors po yung kinunan namin sa Morocco. Nandun po kami from January 9 to 26.”

Nakapamasyal din sila. “Kasi po yung mga locations po na pinag-shoot-an namin, yun na rin po yung mga tourist spots nila roon. So, after po ng shoot, pasyal na.”

Isasali ba sa international film festival ang Emir?

“Balak po talaga nina Direk na i-compete ito internationally.”

Ang Emir ay produced by the Film Development Council of the Philippines, in association with the Cultural Center of the Philippines. Shot on location sa Ilocos Norte, Ifugao Province at Morocco, ginamitan ng state-of-the-art RED camera at enhanced ng Dolby 5.1 surround sound, tinatayang ang Emir ang isa sa pinakamalaking pelikula sa 2010.

Bukod kay Frencheska, kasama rin sa cast sina Dulce, Sid Lucero, Jhong Hilario, Kalila Aguilos, Beverly Salviejo, Julia Clarete, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Liesl Batucan, Melanie Dujunco, Gigi Escalante, Ali Rasheki at Valerie Bariou.

Ang target playdate ng Emir ay April 21, 2010.

Comments are closed.