Jaya finally lives out her dream of acting in a soap opera

jaya

Natupad na ang pangarap ng Queen of Soul na si Jaya na umarte at makasama sa isang soap opera. Ito ay sa pamamagitan ng pinakaunang “kantaserye” ng GMA-7, ang Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

“Eto na nga! Artista na, masaya! Masaya ang aming soap!” tuwang-tuwang bungad ni Jaya. “Finally, nakasali ako. Easy siya kasi kasama ko si Regine. So, ang dami niyang naituturong tips sa akin. For my first project, kasama ko pa si Regine giving me all the lessons that I need to learn, napapadali para sa akin ang pag-arte.”

BEST FRIEND NG DIVA. Kahit sa totoong buhay ay pareho silang kilala ni Regine bilang dalawa sa pinakamahuhusay na singers sa bansa, dito sa Diva ay hindi raw marunong kumanta si Jaya.

“Naku hindi, ako ang manager ni Regine dito. Ako ang naka-discover sa kanya after a night na nag-audition siya sa comedy bar na pinagtatrabahuan ko. Nakipag-friendship ako agad sa kanya kasi kawawa siya. So, nahabag ako sa kanya. Mabait naman ang role ko, pero aawayin ko lahat ng mang-aapi sa alaga ko,” paglalarawan ni Jaya sa kanyang role bilang Barbra, ang best friend ni Sampaguita (Regine).

So, ano ang challenge ng role niya sa Diva?

“Challenge? Wala kasi akong talent dito. Ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa boses, e, si Regine. Gagawin ko ang lahat para mapasikat ko siya,” sagot ng singer turned actress.

Masayang-masaya nga raw siya na napasama siya sa Diva.

“Happy siyempre. Kasi sino ba naman ang mag-aakalang I will be able to do a soap? Si Regine siyempre ang nag-recommend sa akin at tatanawin ko ‘yan na habambuhay na utang na loob. She’s the first person that gave me the opportunity.”

Kakarerin na ba niya ang paggawa ng soap?

“Sana mapansin. Sana mapansin nila. Ayoko rin naman na ma-stuck ako sa comedy lang. I think this also has a lot of drama on it’s own,” sabi niya.

Dahil ito ang kauna-unahan niyang soap opera, nanibago raw si Jaya sa schedule kumpara sa nakasanayan na niyang schedule sa mga variety at game shows.

“Well, ano lang, extra lang ang oras…maraming extra hours na gising ka.  Sa akin, so far, not so bad. Nakekeri ko pa siya,” sabi ni Jaya.

Comments are closed.