Jed Madela says there is no issue between him and Christian Bautista

jed

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer ng si Jed Madela noong Linggo, January 31, pagkatapos ng live presentation ng ASAP XV. Nilinaw ni Jed na walang katotohanan ang balitang umalis na siya sa Universal Records. In fact, may bagong album nga raw siyang ginagawa ngayon para sa naturang record company.

“In the works yung bagong album. Of course, under Universal Records. Siyempre Universal pa rin na lingid sa mga intriga na lumalabas na hindi na ako sa Universal, o kung anong mga lumalabas…Universal pa rin po ako. And I’m making a new album with them,” sabi ng mahusay na singer.

Hindi raw alam ni Jed kung saan nanggaling ang balitang umalis na siya sa Universal Records.

“Yun nga, nagulat ako yung sinasabi nga nila na may tampo ako sa Universal. Hindi na raw nila ako pinapansin. Yung atensiyon daw nila ay nasa ibang artist na. So sabi ko, hindi totoo yun. Feeling ko, parang unfair na sabihin nila yun sa Universal. Kasi it’s but normal na sa Universal Records na tutukan talaga nila ng pansin yung mga artist nila, lalo na yung may mga bagong album na ire-release. So, parang ganoon din nung mag-release ako ng bagong album sa kanila, ako rin yung center of attraction nila. Pana-panahon din ‘yan. So I understand.”

CHRISTIAN BAUTISTA. Si Christian Bautista ba ang tinutukoy niya na tinututukan ngayon ng Universal Records? Mula kasi sa Warner Music ay lumipat si Christian sa Universal Records kaya magkasama na sila sa iisang recording company. At all out ang suporta ng Universal sa album sa kanila ni Christian.

“Yun ang sabi nila!” natatawang sabi ni Jed. “Pero gusto ko lang i-clear na wala kaming gap, walang tampuhan at walang issues.”

Kung wala silang gap, bakit nagpalipat daw si Christian ng ibang dressing room sa ASAP? Totoo bang hindi na sila magkasama ngayon sa iisang dressing room.

“Hindi po totoo yun,” tanggi ni Jed. “I’m speaking in behalf of Christian. Hindi po siya nag-request na magpalipat ng ibang dressing room. Kasi sobrang close kaming apat [him, Christian, Erik Santos, and Mark Bautista], e. It’s impossible. Wala talagang ganoon.”

Nakapag-usap na ba sila ni Christian tungkol sa isyu sa kanila?

“Actually, kaninang umaga lang. Kasi kadarating lang niya from Indonesia, from Malaysia. Yun nga nang magkita kami, tumawa lang kaming dalawa na para bang sinasabi namin na, ‘Ano ba itong nangyayari? Ano ba itong issues na ito? So, you know, it’s nothing really serious. Wala! Actually, wala talagang issues,” diin pa ni Jed.


REVIVAL ALBUM. Lahat ng albums na nagawa ni Jed ay pawang revival songs ang nakapaloob. Wala ba siyang balak na gumawa ng album na original compositions naman?

“Unfortunately, wala pa. Revivals pa rin. Pero different twist, different sound… different concept,” sabi ni Jed.

May paliwanag si Jed kung bakit puro revival albums ang ginagawa niya.

“Yun nga, it’s more of the marketing decision. Desisyon ng Universal yun. Kasi yun pa rin yung talagang pumapatok ngayon, yung nabebenta. Pansin po natin ngayon yung mga originals, hindi masyadong bumebenta. So, masasayang lang. Pero isang deal ko rin with Universal, sabi ko since marami na akong revival albums na ginawa, yung next na siguro would be all originals na,” saad niya.

Comments are closed.