Jennylyn Mercado plays a mistress in Gumapang Ka Sa Lusak

jenTuwang-tuwa si Jennylyn Mercado dahil hindi siya nabakante ng trabaho sa GMA-7. Pagtatapos ng early primetime soap niyang Ikaw Sana with Mark Herras ngayong araw, February 5, ay may kasunod na agad siyang afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak, na magsisimula na sa Lunes, February 8, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

“Masaya dahil tuluy-tuloy ang blessings na hindi ako nawawalan ng trabaho. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at siyempre sa GMA na nagbibigay sa akin ng projects. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako pinapabayaan,” pahayag ni Jennylyn nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Gumapang Ka Sa Lusak kahapon, February 4, sa Gateway Suites.

Nape-pressure ba siya na ang original na gumanap sa movie version ng role niya ay si Dina Bonnevie, tapos first time niya rin maididirek ni Maryo J. de los Reyes?

“Sobra!” sambit niya. “Kaya kailangan kong pag-aralan yung character. Kailangan kong panoorin yung original. Tapos, first time kong makakasama si Direk Maryo. Talagang yung pressure talagang mabigat.”

Ginagampanan ni Jennylyn dito sa Gumapang Ka Sa Lusak ang role ni Rachel Mantarin, isang aspiring actress na engaged na sa kanyang boyfriend na si Levi (Dennis Trillo). Magsisimulang magulo ang kanilang pagsasama dahil magiging kabit si Rachel ni Mayor Edmundo Guatlo (Al Tantay).

First time daw gampanan ni Jennylyn ang role ng isang kabit ng older guy at mayor pa.

“Wala pa akong nagawang ganito before. Kaya dapat abangan niyo.”

Hindi ba siya kinakabahan sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa pagganap niya ng isang kabit?

“Siyempre naman, hindi naman ako pababayaan ni Direk Maryo, lalo na at sa TV ito ipapalabas. So, siguro talagang may limits naman. At saka trabaho ko ito, e. Kumbaga, ‘eto yung kuwento niya at gagampanan ko lang yung role na ibinigay sa akin,” sabi ni Jennylyn.

Comments are closed.