John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping together

sj

Mula sa isang PEPster, na nagpakilala sa PEPster I.D. na “shyspy,” ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng dalawang litratong nagpapakita kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na magkasama.

Ayon sa PEPster, nakunan ang litrato noong Sabadong nakaraan, Pebrero 6, sa isang bike store sa Makati City. Bumibili raw ng bicycle parts si John Lloyd noon. Si Shaina naman ay mukhang sinamahan lang ang aktor sapagkat wala namang nakitang binibili ito.

Nagpakuha pa ng litrato sina Shaina at Lloydie kasama ang isang fan (inset). Tinanggal lang ni shyspy ang fan sa litrato dahil private person daw ito at baka mas shy pa ito kay shyspy.

Ayon kay shyspy, nakuha niya ang mga litrato mula sa isang “superclose friend” niya, na nagkataong naroon din sa bike store at siya mismong nag-click ng camera. Sa aming pananaliksik, ang bike store ay ang Sabak Sports and Adventure Store.

Comments are closed.