Kaye Abad on her relationship with Chito Miranda: “Happy naman kami na ganito…na pagiging dalaga at binata.”

kaye

Malaki ang pasasalamat ni Kaye Abad sa Precious Hearts Romances series dahil nabigyan ng second wind ang kanyang showbiz career. May ilang taon din siyang namahinga, pero ngayon ay sunud-sunod na ulit ang projects na ginagawa niya sa ABS-CBN.

Kaye is now part of the new primetime series Rubi. Bagamat halos hindi nagkakalayo ang age nila ni Angelica Panganiban, who plays the title character, gaganap siya bilang tita ni Angel sa teleseryeng ito. Wala naman daw problema kay Kaye ito.

“Kapatid ko kasi si Ms. Cherry Pie Picache dito at si Ms. Pie, anak niya si Angel kaya tita-titahan ako ni Angel. Pero Ate lang naman ang tawag niya sa akin at hindi Tita!” natatawang kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa ni Kaye, “At bilang maliit ako kay Angel, effort talaga na dapat mas mukhang mas matanda ako kay Angel. Magmumukha talaga akong tita ni Angel at challenge [ito] dahil si Ms. Pie, kasama mo, and si Angel, magaling din na artista.”

Mabait daw ang character niya sa serye kaya sabi namin sa kanya, parang walang pinagkaiba sa mga roles niya during Tabing Ilog days.

“Hindi naman!” natatawa sagot ni Kaye. “Challenge pa rin siya bilang si Angel nga ay bida-kontrabida rito. So, ako yung parang konsiyensiya niya. At saka natutuwa ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng series. Na-practice akong muli sa mga Precious Hearts na pinagdaanan ko.

“And this time, kumbaga, na-prepare ako ulit for this. Primetime ulit, so yun. At saka dalawa ang partner ko rito—sina Wowie de Guzman at James Blanco. Naman, hindi ako papatalo kay Rubi!” biro pa niya.

Comments are closed.