Marian Rivera’s wish to see her father was finally granted

chsIlang araw na ang lumipas mula nang dumating si Marian Rivera at ang kasintahan nitong si Dingdong Dantes mula sa kanilang walong araw na bakasyon sa Spain. Dinalaw ni Marian doon ang kanyang Spanish father na si Francisco Javier Gracia na pitong taon na niyang hindi nakikita.

Sa panayam ni John “Sweet” Lapus kay Marian para sa Showbiz Central ay isiniwalat ng aktres ang kanyang nararamdaman sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama.

“Enjoy lang ako. Happy ako kasi natupad na rin yung pangarap ko na makita yung Papa ko. Yun lang, okey na ako dun,” sabi ni Marian.

Tanong ni Sweet si Marian kung ano ang naging reaction ng Papa niya na ngayon ay isa na na siyang sikat na artista sa Pilipinas?

“Isa lang ang sinabi niya sa akin, na nakumpleto ang buong pagkatao niya noong makita niya ako,” sagot niya.

Tinanong din ni Sweet si Marian tungkol sa napabalita na namanhikan na raw si Dingdong sa kanyang ama nang magpunta sila sa Spain.

“Ano ba, nagpunta ako dun para sa Papa ko at hindi sa kung anu-anong bagay!” natatawang sabi ni Marian

May nabalita kasing may engagement nang naganap sa Spain?

“Me ganun?” tawa niya ulit. “Ano ba, hindi ‘no! At saka importante para sa akin yun, so bakit ko itatago, di ba?”

Malapit nang mapanood muli ng kanilang mga tagahanga sina Marian at Dingdong dahil sisimulan na nila ang shooting ng kanilang pelikula para sa GMA Films at ang taping ng Endless Love para sa Kapuso network.

Comments are closed.