Mark Herras gives advice to ousted Starstruck V contestant

mark_herras_05

Tila nag-alala raw si Mark Herras sa StarStruck V avenger na si Nina Kodaka na nagdamdam umano nang matanggal sa reality based artista search ng GMA 7.

Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Mark na siya man ay nakaramdam noon ng kaba nang piliin ang Final 14 during his batch ng StarStruck.

“Naramdaman ko yun bago mag-Final 14 ‘di ba? Kasi nagkaroon ng problema, sa set namin 13 lang ang natawag, so kulang ng isang lalaki,” kuwento ni Mark.

Payo ni Mark, hindi dapat ma-discourage si Nina ngayong wala na siya sa kompetisyon dahil hindi naman ito mangangahulugan na katapusan ng kanyang pangarap.

“Hindi naman yun porke natanggal ka hindi ka na deserving na maging StarStruck o maging artista,” ayon sa binata sabay habol na mas marami pang roles na puwedeng gampanan si Nina.

Sa ngayon, pahinga raw muna sa mga drama si Mark dahil sasabak muna siya sa comedy para sa bagong soap ng Kapuso na Diva kung saan kasama niya si Regine Velasquez.

Five years ago na raw nang huling magkasama sa trabaho ang tinaguriang “Asia’s Song Bird” at ang “Bad Boy of the Dance Floor.”

“Working with ate Regine is talagang alam mo ‘yon, makulit si Ate Regine sa set. At the same time yung role role ko (sa Diva) kapatid ni Ate Regine. Ganito rin ang role ko sa Forever in my Heart,” kwento niya. – Fidel Jimenez,

Comments are closed.