Nancy Castiglione is ready to get back to work after having twin boys

catiglioneNakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nancy Castiglione, a.k.a. Nancy Jane, nang maging guest co-host siya sa StarStruck V Final Judgment last February 21 sa Araneta Coliseum. Kung matatandaan, si Nancy ang isa sa original host ng StarStruck kasama si Dingdong Dantes.

Natuwa raw si Nancy nang kunin siya ng GMA-7 para maging isa sa host ng StarStruck Final Judgment, kasama sina Dingdong, Raymond Gutierrez, Carla Abellana, at Dennis Trillo. Sabi niya, bumalik yung na-experience niyang excitement sa kauna-unahang season kung saan nanalo sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

“I was so happy to receive an invitation from StarStruck to be part of the Final Judgment, kasi nga it’s already the fifth season of the contest. Natural, I said yes kaagad kasi nga I really missed this show.

“Kaya nga it brought great back memories for me noong unang Final Judgment. It also happened sa Araneta Colisuem, pati ako kinakabahan, e. Kasi nga we all have our bets na manalo, di ba? So pati ako, excited na kinakabahan. Like sa nangyari nga with this new batch, nandoon pa rin ang excitement.”

Happy naman daw si Nancy sa mga naging produkto ng StarStruck, lalo na kina Mark at Jennylyn na nasaksihan niya ang paghihirap sa unang season ng reality-based artista search ng GMA-7.

“I feel so proud to see both Mark and Jennylyn still doing well sa kanilang career. Ang gagaling na nilang mga artista and they are great performers as well. Si Jennylyn, she’s a mother now, pero ang sexy pa rin niya. Si Mark naman, he’s still very handsome and still the ladies man,” ngiti pa ni Nancy.

A MOTHER OF TWIN BOYS. Maging si Nancy ay sexy pa rin despite giving birth to twin boys. Magwa-one year old na raw ang kanyang kambal na sina Matteo at Joaquin. Hands-on daw talaga siya sa pag-alaga sa mga ito sa Canada. Kaya raw hindi siya tumaba dahil lahat daw ng gawain ng isang ina ay ginagawa niya.

“Imagine, two boys sila na makukulit na! They run around everywhere kaya ako naman, habol lang nang habol sa kanila. But it’s really so fun to be a mother and it’s so fulfilling kaya I don’t mind getting tired. Parang exercise ko na ang pag-alaga sa kanila. Wala kaming maids or yayas sa Canada kaya I do lots of chores like cooking, doing the laundry, cleaning the house, and taking care of twin boys na sobrang cute at makukulit.

“But no regrets, this is the life that I chose and I am enjoying motherhood so much. Akala ko noong una mahirap. Oo mahirap, pero masarap siyang gawin kasi you see your kids growing up and learning so many things,” sabi ni Nancy.

Dito na raw sa Pilipinas naka-base si Nancy at ang pamilya niya. Ilang buwan na raw silang nandito kaya nagbabalik din si Nancy sa showbiz.

“I’m ready to get back to work in showbiz kasi na-miss ko rin. I’m in good shape now kaya puwede na akong magtrabaho ulit. But my kids are my priority pa rin. Basta kailangan ako ng family ko, sila ang uunahin ko.”

Ang ama pala ng twin boys ni Nancy ay ang businessman na si Nacho Dominguez. Pinabulaanan ni Nancy na hiwalay na sila nito kaya siya nagbabalik sa showbiz.

“That’s not true. We’re still together,” diin ni Nancy. “Magkasama kami sa iisang bahay. Nakita na kaming magkasama sa ilang events, pero hindi siya nagpapa-interview talaga. He’s very shy at hindi siya taga-showbiz. So it’s not true na hiwalay na kami. We are one big family pa rin.”

PAOLO CONTIS. Siyempre, hindi maiiwasang itanong kay Nancy kung nagkita na ba sila ng kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis. Tulad ni Nancy ay magkakaroon na rin ng sarili niyang pamilya si Paolo dahil any time ay manganganak na ang girlfriend nitong si Lian Paz.

“Sa totoo lang, hindi pa nga kami nagkikita or accidentally na nagkakasalubong. But I am happy for the news na magkakaroon na siya ng baby niya and I heard it’s a baby girl.

“That’s great news kasi nga, we already have different lives now, but we still ended up as parents. I know that Paolo will be a good father. Mabait siyang tao and I know that he will be okay as a dad and husband.

“Siguro kapag nagkita kami, ang pag-uusapan na lang namin ay tungkol sa mga anak namin. And I want our kids to be good friends kasi halos magkakasing-edad lang sila, di ba? That would be so nice to see someday,” sabi ni Nancy.

Comments are closed.