Pacquiao mulls legal action vs rumormongers

manny_jinkee_071011_250wFinally, sinagot na ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang bagong intriga na naman sa kanila: na diumano’y nagkita sa Los Angeles sina Manny at Krista Ranillo, at bukod pa rito’y sa iisang apartment building na lang sila naninirahan.

Namataan pa daw na magkasama sila sa isang grocery store.

Pinalabas ng sabado, February 6, ng Startalk ang panayam kay Manny na kinuhanan sa training camp niya sa Hollywood. Nasa USA ngayon ang Pambansang Kamao para paghandaan ang laban niya sa Ghanaian na si Joshua Clottey na ganaganapin sa March 13 sa Arlington, Texas.

Kung dati-rati’y matipid magbigay ng pahayag si Manny sa anumang may kinalaman kay Krista, sa panayam na ito’y nagpakita na ng disgusto ang boksingero, lalo na sa mga intriga tungkol sa asawang si Jinkee.

“Alam mo, sa totoo lang, yung sinasabi nila na nakita kaming nag-dinner, nag-grocery, walang katotohanan yun.”

Sabi pa ni Manny, “Hindi ako lumalabas. Palagi ko namang kausap si Jinkee at alam niya kung nasaan ako.”

Lalong hindi nagustuhan ni Manny ang mga balitang inili-link si Jinkee kay Derek Ramsey. Bumisita kasi ang aktor sa General Santos at isa raw si Jinkee sa grupo na nag-asikaso sa kanya.

“Huwag namang ganun na maggawa sila ng sariling kuwento, na parang manira ng pamilya,” sabi ni Manny. “Tapos yung asawa ko, nili-link din sa ibang lalaki. Parang they are trying talaga na paghiwalayin kaming dalawa. What kind of people are they? Amazing!”

Comments are closed.