PBB Double Up runner-up Paul Jake Castillo says he already expected that Melai would be the Big Winner

paulSi Paul Jake Castillo ang naging 2nd Big Winner sa Big Night ng Pinoy Big Brother Double Up na ginanap nung Sabado, February 13, sa Ninoy Aquino Stadium.

May mga nagsasabi na nakaimpluwensiya raw ng malaki ang pagiging mayaman ni Paul Jake para umabante ito nang husto at halos dumikit ang dami ng text votes niya sa Big Winner na si Melisa “Melai” Cantiveros. Tiyak na gumana raw ang pera, hindi lang ng pamilya kundi ng mga kaibigan at mga taong malalapit kay Paul Jake na tiyak na nabibilang din sa mga maykaya sa Cebu.

Kahit si Paul Jake ay hindi inasahan na papasok siya sa Big 5 at magigng mahigpit pang kalaban ni Melai.

Kung may mga nagsasabi na dahil sa pagiging mayaman ni Paul Jake kaya siya naging 2nd Big Placer sa PBB Double Up, marami rin naman ang naniniwala na siya dapat ang nanalo dahil sa ipinakita niyang mga katangian sa loob ng Bahay Ni Kuya. Pero para kay Paul Jake, tanggap at inaasahan na niya na si Melai talaga ang magiging Big Winner.

Sa loob ng Bahay ni Kuya, ang pagiging prangka at diretsong tao ang ilan sa mga ugaling inireklamo sa kanya ng mga kapwa housemates. Naging open nga ang dating housemate niya na si Cathy Remperas na nasaktan siya ng husto nang sabihan daw siya ni Paul Jake na “gold digger.”

Isa sa hinangaan naman kay Paul Jake ay ang pagiging loyal nito sa kanyang girlfriend. Nang tanungin namin ang PBB housemate kung sino ang gusto niyang maka-partner kung saka-sakaling pumasok siya sa showbiz ay wala siyang maisip na isagot.

Read More>>

PBB Double Up runner-up Paul Jake Castillo says he already expected that Melai would be the Big Winner

One comment

  1. kathy says:

    tingin ko si paul jake naman tlga ang dapat na big winner.di naman para sa mahirap ang PBB.bakit nalang tinuturo lagi natin sa tao kasi mahirap kaya dapat manalo.dapat kung ano yung ginagawa o kung nagpakatutoo tlaga.ang dami ko din nakausap at natanong.karamihan si paul jake ang gusto.yun lang. thanks!