Phillip Salvador acquitted from estafa case filed against him by ex-lover

philip

Ang February 10, 2010 ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng aktor na si Phillip Salvador dahil sa isang magandang balita na natanggap niya noong araw na yun. Ito ay ang pagpabor ng korte sa kanyang apela na i-dismiss ang estafa case na isinampa ng businesswoman na si Cristina Decena laban sa kanya.

Nagkaroon ng relasyon sina Phillip at Cristina, pero hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Nasaktan si Cristina nang malaman nito na nagpakasal si Phillip kay Emma Karen Ledesma sa U.S. dahil wala raw silang formal breakup.

Nagpatawag si Cristina ng presscon at dito niya sinabi na malaki ang utang sa kanya ni Phillip. Para patunayan na totoo ang kanyang akusasyon, sinampahan ni Cristina ng estafa si Phillip. At noon ngang April 2006, napatunayan ng Las Piñas City Trial Court na guilty ang aktor kaya hinatulan ito ng dalawampung taon (20 years) na pagkakakulong.

Dinala ni Phillip sa Court of Appeals ang kanyang kaso at kahapon, February 18, kinumpirma niya na ni-reverse ng korte ang desisyon.

Paulit-ulit na sinabi ni Phillip na talagang mabait ang Diyos dahil sa pagpapawalang-sala sa kanya ng korte.

“This is to certify that on February 11, 2010, a decision resolution rendered in the above-entitled case was filed in this office, the dispositive part of which reads as follows, ‘Wherefore, premises considered, the appealed decision of Branch 202 of the RTC of Las Piñas dated April 21, 2006 is hereby reversed and set aside and accused-appelant Phillip R. Salvador is “ACQUITTED” of the crime of ESTAFA… SO ORDERED and the same has on 11 February 2010 become final and executory and is hereby recorded in the book of entries of judgments.”

Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Cristina tungkol sa tagumpay ni Phillip, pero ayon sa isang malapit sa kanya, walang balak na magsalita ang businesswoman.

Sa interview ng PEP kay Cristina noong September 4, 2008, nagsalita siya na pinatatawad na niya si Phillip.

Comments are closed.