Prince Stefan’s sexy photos shot on a beach in Iloilo

psMaraming nagulat sa pagpapasexy ni Prince Stefan sa photo shot niya sa Iloilo. Marahil na rin siguro medyo nawawalan na siya ng mga projects at naisipan na niyang pasukin ang mundo ng pagpapasexy.

Kuwento ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama  raw niya ang mga pinsan niya noong nakaraang Pasko para magbakasyon sa Iloilo at may pinuntahan silang beach na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga turista. Doon daw naisipan ni Prince na magpakuha ng sexy photos.

“Bakasyon lang talaga ang punta namin doon,” sabi niya. “Kaso ang ganda ng beach. Talagang hindi pa siya masyadong napupuntahan. Gusto ko na ako ang maunang mag-pictorial doon. Sa sobrang ganda kasi ng lugar, parang nakakapanghinayang na hindi ako makapag-pictorial doon.

“Gamit lang namin diyan ay ang digital camera na dala ko. Wala ‘yang makeup or mga ilaw. Talagang simpleng pictorial lang. Hindi namin alam na maganda pala lalabas kapag na-transfer na sa computer.” Galing mismo sa Facebook account ni Prince ang sexy photos niya.

“Nilagay ko ang mga photos sa Facebook album ko and somehow, may mga nakakita na ibang friends ko kaya it made it’s way sa Internet. Nabalitaan ko na lang na nasa iba’t ibang websites na siya. Natuwa rin naman ako kasi maraming nagkagusto sa photos ko. Buti naman at hindi nakakahiya kasi talagang pinaghirapan ko na ma-achieve ang katawan ko ngayon,” ngiti ni Prince.

“Since last year naman, I’ve been going to the gym,” banggit niya. “Kahit na noong magkasunod ang mga shows ko, hindi ko nakakalimutan ang mag-gym. Paunti-unti naman ang pag-improve ng katawan natin. Hindi ko siya binibigla kasi bata pa naman daw ako. Dapat hindi raw masyadong matindi ang workout.

“Paunti-unti, nadadagdagan ang pagwu-workout ko at nakikita ko na ang improvement sa body ko. Ngayon, mine-maintain ko na lang ang exercise. Kapag may mahabang time, nasa gym talaga ako. Tapos ingat na rin ako sa mga kinakain ko. If I want to stay fit, marami akong pagkain na isinasakripisyong hindi kainin.”

Read more>>

Comments are closed.