Rachelle Ann Go insists Kean Cipriano and Jed Madela are not courting her

Rachelle Ann Go

Pagkatapos mabalita ang hiwalayan ng Kapuso talent na si Arci Muñoz at ng lead vocalist ng Calla Lily na si Kean Ciprian, Rachellmarami ang nagulat ng maugnay ang pangalan ng singer na si Rechelle Ann Go. Sinasabing sinisiraan daw ni Rachelle si Arci sa mga magulang ni Kean.

Sinabi ni Rachelle sa interview ng Philippine Entertainment Portal, Nagpahayag siya ng pagtataka kung bakit siya na-involve sa hiwalayan nina Arci at Kean. Nagpayag din siya ng kalungkutan dahil sa pagpaparatang sa kanya ng paninira ng ibang tao.

“Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot sa issue. Hindi ko alam kung bakit ako nadawit sa issue nila. Alam ko ang problema kung bakit sila nagkahiwalay, pero out na ako dun. Nakakagulat nga na nasama ako sa issue. Nakakalungkot din pag nakakarinig ako ng ganung balita.

“Ako kasi, kahit sinisiraan ako, wala akong interview na nagsasabi ng masama sa ibang tao.  Kumbaga, hindi ko ugaling manira ng tao. Hindi ako yun. Sobrang wala sa bokabularyo ko yung ganung bagay. Iniisip ko na lang siguro, mga tao ‘yan sa paligid na gumagawa ng issues para lang magkaroon ng gulo,” saad ng singer na regular na napapanood sa ASAP XV

Aminado si Rachelle na personal niyang kakilala ang mga magulang ni Kean, pero hindi pa raw niya personal na nami-meet si Arci kung kaya’t malabo na siraan niya ito gaya ng ibinibintang sa kanya.

Nilinaw rin ni Rachelle na hindi nanliligaw sa kanya ang lead vocalist ng Calla Lily.

“Barkada ko siya, parang si Jed [Madela] din. Magkakasama kami sa isang grupo. Lumalabas kami, pero ganun lang. Nakakapunta siya sa bahay pag may mga special occasions, pero hindi talaga siya nanliligaw.”

Si Jed Madela naman ay nanligaw noon kay Rechelle pero huminto ng maging sina Rachelle at Christian Bautista. Ngayon ay madalas na makikita sina Jed at Rachelle na lumalabas.

Very Open naman si Jed na special daw sa kanya si Rachelle. May ilan ang nagsasabi na baka ngayon daw ay mauwi na sa isang totohanang relasyon ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Ano ang masasabi rito ni Rachelle?

“Special din naman sa akin si Jed,” sagot niya. “Best friend ang tingin ko sa kanya. Kumbaga, isa siya sa taong pinakamalapit talaga sa akin, talagang pinagkakatiwalaan ko, na pag kailangan ko ng kausap, lagi siyang nandiyan at sobra kong naa-appreciate yun.

“Kung manliligaw siya, ewan ko… Feeling ko, hindi naman kasi iba na yung level ng friendship namin, naging sobrang solid, intact. Magkaibigan lang talaga kami, masaya kami na ganun kami. Masyado kaming open sa isa’t isa. Masasabi namin talaga ang lahat-lahat sa bawat isa.”

Read More>>

Comments are closed.