Sam Milby is aware that ex-girlfriend Anne Curtis is exclusively dating a non-showbiz guy

samMay ginagawang pelikula ngayon ang actor-singer na si Sam Milby kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis, ito ay ang Babe I Love You para sa Star Cinema at Viva Films.
First time na magsasama at magkakapareha nina Sam at Anne sa pelikula.

Kuwento ni Sam, “We’re shooting every day kasi may playdate na kami. April 3 ang showing ng movie namin which is Black Saturday. The last three weeks, it’s been pretty hectic na napupuyat ako. Pero I’m really enjoying it naman. Ang ganda ng story.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam last February 21 sa event ng Dermablend, kung saan isa si Sam sa mga endorser. Ang event ay ginanap sa Hypermarket sa Quezon Avenue.

May kissing scene ba sila ni Anne sa peikula?

“Ano sa tingin ninyo?”natatawang balik-itanong ni Sam sa PEP. “Meron naman. Siyempre meron.”

Madalas ngayong nagkikita sina Sam at Anne dahil sa pelikulang ginagawa nila. Hindi kaya nanunumbalik ang feelings ni Sam kay Anne?

“Sometimes you know when we’re on the set, parang bumabalik yung mga dating…parang…nami-miss ko na parang you know we’re being kulit,” pautal-utal na sagot ni Sam.

Dagdag niya, “You know kasi she was… I mean I’ve been single since then. So a lot of times when you’re, you know, still single, you remember whatever happened in your last relationship. You know what I mean? So parang it reminds me of the good times that we had when we’re together.”

May balitang may dini-date daw ngayon si Anne na isang non-showbiz guy. Matagal na raw naman itong alam ni Sam.

“They’ve been friends for a long time,” sabi niya. “The same guy that she dated last year, exclusively dating. She admitted she’s exclusively dating. I don’t know really about her personal life so much. I mean if she’s dating somebody, I didn’t ask her. But ako, if she’s dating him again and they’re together and if she’s happy, then I’m happy for her.”

Hindi ba naman siya nakakaramdam ng selos?

“After we broke up, I heard them dating, medyo ano…nagseselos ako. But that was long time ago,” sagot ni Sam.

Nabalita rin noon na may silent war sila ni Anne. How true?

“Not true,” tanggi ni Sam. “If you guys wanna come to the set and see how we are, you’ll see na talagang were happy, we’re very makulit pa rin. You know, we’re enjoying doing the movie, we’re friends, and we’re just having fun doing the movie. You come to the set, you’ll see naman.”

Sa tingin ba niya may posibilidad pa na magkabalikan sila ni Anne?

“Kasi ako, you can’t plan what’s gonna happen. You don’t know what’s gonna happen. Ako, like I said, my doors are open. If something ever happens, you know… I believe in destiny. I believe if you’re really meant for each other, you’ll be together,” saad ni Sam.

Comments are closed.