Sharon Cuneta on her adopted son: “I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother.”

sc

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Imperial Palace Suites kagabi, February 3, ilang oras bago siya lumipad patungong Japan kasama ang buo niyang pamilya para magbakasyon. Si Sharon kasi ang nag-induct ng bagong officers ng Entertainment Press Society o Enpress, isang grupo ng entertainment writers.

Tungkol sa pagbabakasyon nila sa Japan, sinabi ng Megastar na gusto raw kasi niyang ma-experience at makita ng kanyang mga anak ang snow.

“We’ll go mostly sa Northern ng Japan,” banggit niya. “All my children are leaving except for my little boy, kasi his papers are not yet finished. No passport pa. And then may niece Ella, daughter of Anthony and Maricel Pangilinan. And then, siyempre all my children, kasama si Kace [KC Concepcion] and two yaya.”

Ang tinutukoy na “little boy” ni Sharon ay ang ampon nila ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan.

Panliligaw ba sa kanyang muli ni Kiko ang pagpunta nila sa Japan?

“Hindi! Actually, gift ko sa kanya makapunta lang. Ayoko nang istorbohin ang budget! Talagang, ‘Sige na sweetheart!’” natatawang sabi ni Sharon

SHARON’S “LITTLE BOY.” Going back to her “little boy,” masasabing daig pa halos ni Sharon ang nanganak muli. Nanay na nanay nga siya kapag ang tungkol na sa adopted son niyang si Miguel, o Migs kung tawagin nila, ang usapan.

“Wonderful! I am so in love with him! Parang lumabas talaga sa akin. Sa kanya lang ako hindi tumaba!” natatawang biro niya. “Tapos, he’s smiling all the time now. He’s three months old. Yung focus niya, grabe, ganyan siya. At kapag kinakausap mo, humahalakhak.”

Sabi pa ni Sharon, naka-adjust na raw ang lahat ng kanyang mga anak—KC, Frankie, at Miel—sa kanilang new brother.

“Actually, from the beginning pa, sila yung mas excited. So, I was very thankful talaga.”

Hands-on din ba si Sharon sa kanyang baby boy?

“Oo,” mabilis niyang sagot. “Pero siyempre, we’re working. We tried to get him breastmilk from several choices na kilala, lately yung best friend ni Judy Ann [Santos]… We’re very grateful. Parang ginto sa amin.”

Katabi raw matulog ng dalawang girls niya na sina Frankie at Miel si Migs.

“They sleep in his room. His room is KC’s old room. So, inayos namin. Talagang nag-aagawan sila. Si Kace naman, she’s big ate. Siyempre, I had to ask her muna when we had him on the first day. Tinanong ko siya, ‘There’s a baby that I really like…’ Siya yung nagsabi na, ‘Mama, please keep him,’” kuwento ni Sharon.

Ayon pa kay Sharon, kamukha raw ni Migs sina Coco Martin at Sid Lucero.

“Actually, yun ang tipo niya, tisoy. Parang Pinoy na tsinito na maputi,”
pagmamalaki ni Sharon.

Comments are closed.