StarStruck V Second Prince Rocco Nacino proud of himself despite not winning the big title

chs Sa presscon kasi ng Final 5 a few days before the Final Judgment ay tinanong sila kung sino sa palagay nila ang mananalo. Kung para kina Steven, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Sarah Lahbati ay mga sarili nila ang kanilang isinagot, sinabi ni Rocco ay na si Steven ang malamang na manalo dahil ito ang may pinakamaraming text votes sa unang siyam na linggo ng competition.

At sa ginanap ngang Final Judgment ng StarStruck V noong Linggo, February 21, sa Araneta Coliseum ay nagdilang-anghel si Rocco dahil si Steven nga ang itinanghal na Ultimate Male Survivor. Pumangalawa si Enzo upang tanghaling First Prince at pumangatlo si Rocco na itinanghal na Second Prince.

Tanggap naman ni Rocco ang kanyang  pagkatalo kay Steven.

Aniya, “Ako po, wala pong problema sa akin kahit anong position o title ang makuha ko. I was just happy na makasama ako sa Final 5. I wasn’t thinking about yung winning nang bonggang-bongga. Yung makapag-pay back lang ako sa mga taong nag-support sa StarStruck, yun lang po ang goal ko tonight. So yung lang po talaga ang gusto ko. So, kahit po ano sabihin nila na Second Prince, kulelat sa boys, wala, wala po sa akin yun.”

Hindi ba siya nakaramdam ng disappointment na hindi siya ang nanalo?

“No, no disappointment at all,” mabilis niyang sagot. “I’m very proud of myself. From thousands of people na nag-audition dito, nakarating ako sa Top 3 guys sa StarStruck. I’m very proud of what I’ve done. So, Rocco, congrats sa ‘yo kasi malayo rin yung narating mo.”

Kumpara kina Rocco at Enzo, madalas napag-iiwanan si Steven sa mga artista tests lalo noong mga unang bahagi ng StarStruck V. Pero lumalabas na si Steven pala ang may pinakamalakas na fan base, at patunay nga nito ang napakamarami niyang nakuhang boto mula sa viewers.

Comments are closed.