Angelica Panganiban and Derek Ramsay reconcile three weeks after their breakup

derangel

May lumabas na report ngayong araw, March 3, sa isang daily broadsheet na nag-break na raw sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Three weeks ago raw nangyari ang breakup nila. Ayon pa sa balita, dahil sa pagiging “selosa” raw ni Angelica ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan at walang third party involved.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source, who is very close to both Angelica and Derek, na totoong nag-break ang dalawa. Pero ayon sa aming source, nagkabalikan din agad sina Angelica at Derek.

Kagabi, March 2, lang daw nangyari ang reconciliation sa pagitan ng magkasintahan. Ibig sabihin nito, naayos agad kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan.

More than three years na ang relasyon nina Angelica at Derek, na parehong may primetime soaps ngayon sa ABS-CBN. Si Angelica ay nasa Rubi samantalang si Derek naman ay nasa Habang May Buhay.

Comments are closed.