Annabelle Rama sends a short message to Kris Aquino

Annabelle RamaSa kabila ng palitan ng paumanhin at kapatawaran, nagbigay naman ng maiksing mensahe ang palabang si Annabelle Rama kay Kris Aquino tungkol pa rin sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na nagkairingan sina Kris at Annabelle dahil sa “pag-walk-out” ni Ruffa sa ‘The Buzz’ ng una noong nakaraang linggo. Dahil sa hinanakit, nakapagbitaw ng maanghang na salita si Annabelle laban kay Kris at nadamay pa ang kapatid niyang si Liberal Party presidential bet Noynoy Aquino.

Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing okey na relasyon nina Kris at Ruffa matapos humingi ng paumanhin at magpatawad ang magkabilang panig.

Katunayan, balik na sa trabaho si Ruffa, habang sumama naman sa kampanya ni Noynoy si Kris sa Mindanao. Sa Zamboanga, ipinaabot ni Kris ang kanyang kasiyahan sa pagtanggap ni Ruffa ng kanyang paumanhin.

Sa entablado, idinepensa ni Kris ang sarili sa mga batikos na mayabang siya kaya hindi dapat iboto ang kanyang kuya Noynoy sa eleksiyon tulad ng naging pahayag noon ni Annabelle.

“Hindi po namin minsan maiwasan na minsan naapektuhan kami. Kasi po napaka-unfair na sasabihin nila na ‘wag iboto si Noynoy dahil si Kris mayabang,” sambit ng aktres habang nasa ibabaw ng entablado.

Samantala, mas pinili naman ni Sen Aquino na huwag ng makisali sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kapatid. Todo rin ang pasasalamat nito dahil buong pamilya ni Kris (kasama ang asawang si James Yap at Baby James) ang sumama sa kanyang kampanya.

Samantala, mas pinili naman ni Sen Aquino na huwag ng makisali sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kapatid. Todo rin ang pasasalamat nito dahil buong pamilya ni Kris (kasama ang asawang si James Yap at Baby James) ang sumama sa kanyang kampanya.

Sa naging panayam kay Annabelle nitong Huwebes, makikitang humupa na ang galit niya kay Kris. Nagbigay din siya ng maigsing mensahe sa actress/host: “Tuloy tuloy mo lang ang kampanya sa kapatid mo Kris para mananlo siya sa eleksiyon.”

Comments are closed.