Eugene Domingo in a sexy funny ‘Hot Mama’

Eugene DomingoStarting  March 11, “SRO Cinemaserye” will bring to us the outrageously funny and irresistibly sexy story of Hot Mama. Eugene Domingo and her leading man Wendell Ramos will surefire deliver non-stop laughter as the humor gets naughty and playful.

“Sa totoo lang ito ang pinaka-daring na ginawa ko,” panimula ni Ms. Eugene Domingo sa press launch ng Hot Mama last week.  Which is true, her scenes with her leading man Wendel were really hot and sexy.

Press people are screaming due to excitement while viewing the teaser shown on launch of “SRO Cinemaserye”

“Nagpapasalamat ako kay Wendell kasi s’ya mismo… parang nire-relax n’ya ako…Siyempre nakakahiya namang humalik nang humalik at yumakap nang yumakap,” kwento ng ‘hot’ comedienne.

“Pero siya yung ‘gawin natin to kasi talagang ganon eh, kailangan sexual tayo.’ So ang motivation ko na lang doon eh ‘yung takot sa director ko (Joel Lamangan) at saka ‘yung support ng mga kasama kong artista,” natatawang pa niyang pahayag.

Tila nag-blush ang Gawad Urian at Golden Enpress Best Actress nominee nang mapanood sa teaser ang ilang mga nakakakilig na kissing at intimate scenes nila ni Wendell.

“Nagpapa-girl ako nang todo,” ang biro niya. Pero inamin naman ni Eugene ang paghanga sa kanyang leading man when she was asked to describe Wendell.

“Di ba ang sexy ng mata? Tapos kuwela pa, kalog, hindi conscious, hindi assuming. In the end nga ‘pag binastos mo pa siya, ikaw pa ang mahihiya eh,” tugon ng premyadong aktres.

Idinagdag ni Eugene na napaka-flawless ng kanyang leading man. “Hiyang-hiya nga ako, ang flawless!”

Siguradong isa na namang hit ang latest SRO Cinemaserye offering. Mapapanood na ang Hot Mama simula March 11, pagkatapos ng Queen Seon Deok.

Comments are closed.