Jay-R very proud to be the boyfriend of a beauty queen

chsm4Another dream come true para sa Prince of R&B na si Jay-R ang makapag-release ng isang all-OPM album. Puro revival ng mga sikat na OPM love songs ang nakapaloob sa 13-track album ni Jay R mula sa Universal Records. Nakapaloob sa all-OPM album ay puro mga tagalog song ng mga legendary singers natin dito sa Pilipinas.

At ito ang pahayag niya sa patungkol sa kanyang album, “Puro mga legendary po ‘yung mga kinanta ko, talagang hit na hit po ang mga kanta,” sambit ni Jay-R nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon for his album sa Linden Suites nitong Miyerkules (March 10).

“Ang masaya sa akin, what was fun to do is to make my own version. Yung Jay-R po na style nai-incorporate ko po sa hit na hit na song. So, sana lang, magustuhan ng mga tao yung version ko kasi classic na po yung mga kantang yun, e. Baka magalit po sila na iniba ko po ang ibang melody. Pero ang sa akin po, it’s 2010, it’s a new time. So, why not, you know, make it some fresh arrangement,” dagdag niya.

At bukod sa pagkakaroon ng bagong album, isang masayang balita din para sa kanyang girlfriend ang pagka-panalo sa Binibining Pilipinas at pagkakuha sa titulong Bb. Pilipinas-International.

Ano nga ba ang feeling na maging boyfriend ng isang beauty queen?

“I feel very proud!” bulalas ni Jay-R. “Feeling ko, alam n’yo yung pizza commercial na ‘level up, pare,’ feeling ko ganun yung nararamdaman ko. It’s a different feeling po to be in a relationship like this. It’s actually nice kasi we downsize ourselves as an artista. Kasi artist din po siya, artist din po ako. So, yung mga influences po niya, influences ko, magkapareho rin po kaya parang isa lang kami mag-isip. So, we give each other new idea, different idea. Parang from there, we try to be better lang po.”

Comments are closed.