Jennica Garcia talks about her new love team Carl Guevarra…

chsmIsa na namang bagong love story ang mapapanood sa Dear Friend, this Sunday (March 7). Starring Jennica at ang bagong Kapuso talent na si Carl. My Stalking Heart is a romantic-comedy na talaga namang magpapakilig sa mga manonood.

“Nakakatuwa kasi first time ko makatrabaho si Carl. Tahimk siya pero sa umpisa lang ‘yun. Nasa isang tabi lang siya, ako ‘yung ‘hoy, magsalita ka naman diyan!’ Kasi nga mahiyain siya. Pero mabait naman po siya,” kuwento ni Jennica bago pa man magsimula ang press launch ng kanyang bagong show.

Itinanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya sa balitang interesado daw sa kanya ang bagong ka-love team.

“Naku umayos nga siya. Joke lang ‘yun, hoy! Carl,” natatawang reaksiyon ni Jennica.

“Ewan ko kung bakit hindi niya ako masyadong makausap ng harapan. Lagi lang siyang tumatawa. Tawa lang siya ng tawa. Kahit hindi ako nagpapatawa. Tawa lang ng tawa iyang si Carl. So siguro naman masaya naman siya kapag nag-uusap kami,” dagdag ng dalaga.

Pero handa na nga ba sa bagong pag-ibig si Jennica?

“Naku new love wala, okay lang po ako,” she said. “At saka paano ko iisipin ‘yung love ang dami kong eksena araw-araw. Almost everyday pa ‘yung taping ko. Tapos noong time pa nga ng Dear Friend nagsasabay. So iisipin ko lang talaga trabaho at tulog.”

Comments are closed.