Mark Bautista ‘returns’ to Kapuso Network

chs3Pumirma ng three-year guaranteed contract si Mark sa GMA-7 last Thursday, March 11. Kasama niyang pumirma ang manager niya na si Veronique del Rosario ng Viva Artist Agency.

Ayon kay Mark, hindi naman talaga siya lumipat mula sa ABS-CBN, kung saan napapanood siya sa musical-variety show na ASAP, kundi nagbabalik lamang siya sa GMA-7.

“Hindi naman ‘to talaga ‘to na parang lumipat. Pero bumalik lang ako kasi actually, dito nga ako nag-start,” sabi niya. Dagdag ni Mark, hindi rin daw siya nahirapang magdesisyon na bumalik sa GMA-7.

At ang una niyang proyekto sa GMA-7, ay ang Sunday musical-variety show na “Party Pilipinas”.

At bukod dito, may mga Kapuso Stars din na nag-renew ng kanilang kontrata sa GMA-7 ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Katrina Halili, Lovi Poe, Kyla, Jay-R, TJ Trinidad, Raymond Gutierrez, Ehra Madrigal, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso, at ang StarStruck V winners and avengers.

One comment

  1. vhien12 says:

    Bakit kaya siya lumipat? Maganda naman yung takbo ng career nya sa Abs-cbn. I wanna know what are the “projects” offered to him… haha if there is,