NHI vs Arnel Pineda for “Lupang Hinirang” Violations

Ang National Historical Institute (NHI) ay nagpaplanong magsampa ng kaso laban kay Arnel Pineda patungkol sa umano’y paglabag ni Arnel sa tamang pagkakaawit sa Pambansang Awit sa Boxing Match nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey noong Marso 14, 2010 petsa dito sa Pilipinas.

Nilabag umano ng Journey’s Lead Singer ang Republic Act (RA) 8491 (The Flag and Heraldic Code of the Philippines), hindi daw umano sinunod ni Pineda and tamang tono and kumpas sa pag-awit ng “Lupang Hinirang”. Inulan ng batikos si Pineda lalo na sa huluing dalawang linya ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Pinuna rin ng mga kritiko ang suot ni Arnel sa boxing stadium na cowboy-inspired polo imbes na  Barong Tagalog. Ang sinumang mapatunayan na lumabag sa Republic Act (RA) 8491 ay magmumulta ng humugit kumulang P20,000 at pagkakakulong ang hindi bababa sa isang taon.

Handa naman umano humingi ng paumanhin ang International Singer kung may nagawa siyang mali sa pagkakaawit ng “Lupang Hinirang”. Ginawa nya raw ang lahat ng kaya niya para maayos na maihatid ang kanta.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may pinuna ang National Historical Institute (NHI) patungkol sa pagkanta ng Pambansang Awit, kabilang sa mga napunang mga singer ay sina Christian Bautista at Martin Nievera.

Comments are closed.