Paolo Avelino replaces JC de Vera in Panday Kids

Paolo AvelinoHanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si  Paolo Avelino na siya ang maswerteng napili ng GMA 7 na ipalit kay JC  de Vera bilang male lead star sa top rated fantaserye na Panday Kids.

“Nagulat po ako pero ‘di pa rin po masyadong naniwala kasi marami pong ganun, kumbaga pinagpipilian for this (project) tapos biglang ‘di matutuloy,” pahayag ng binata sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Malaking papel ang gagampananan ni Paolo at kailangan niyang mag concentrate dito, dahilan kung bakit kailangan niyang iwan ang isa pa niyang proyekto na Ina Kasusuklaman ba kita.

Aminado si Paolo na hindi madali para sa  kanya ang pumalit kay JC de Vera na nagpaalam na sa naturang fantaserye.

“Parang nakakatakot din po kasing sumabak sa ganung kalaking role kaagad, na biglaan,” pagtatapat ni Paolo.

Ayon pa sa aktor, maging ang kanyang mga kaibigan ay masaya para sa kanya dahil sa malaking development sa kanyang showbiz career. Panay din umano ang pagbibigay ng word of encouragement kay Paolo ng napapabalitang nobya ng binata na si LJ Reyes.

Gayunman, tumanggi si Paolo na sagutin ang tanong kung sila na ba talaga ni LJ. Sa halip, nakiusap ang binata na ipaubaya na muna sa kanila “sa ngayon” kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ng aktres.

Comments are closed.